PINAYAGAN ng Sandiganbayan First Division si Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na makadalaw sa kanyang ama na naka-confine sa ospital.
Sa dalawang pahinang resolusyon, maaari umanong lumabas si Revilla ng kanyang kulangan mula alas-3 ng hapon hanggang 8 ng gabi sa Hulyo 14 o 15.
Sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig lamang maaaring pumunta si Revilla.
Ang PNP at ang Sheriffs Office ng Sandiganbayan ang naatasan na magbantay kay Revilla.
Pinagbawalan din si Revilla na gumamit ng anumang uri ng communication at electronic gadgets. Bawal din siyang makapanayam ng media. Ang lahat ng gagastusin ay sasagutin ni Revilla.
Isinugod sa ospital si dating Sen. Ramon Revilla Sr., 88, noong Hulyo 11 at siya ay na-diagnosed na may Gram Negative Bacteremia secondary to Urosepsis at Septic and Metabolic Encephalopathy.
Wala na sa ICU si Revilla Sr., at nasa regular na pribadong kuwarto na kung saan binabantayan ng mga doktor ang kanyang kalusugan.
MOST READ
LATEST STORIES