Kapuso actress Max Collins may death threats; tinakot na iho-hostage

MAX COLLINS 0320

MAY mga death threat pala na natanggap ang Kapuso actress na si Max Collins kaya humingi na sila ng tulong sa mga pulis para sa kanyang seguridad, pati na rin ng kanyang pamilya.

This was also the reason kung bakit wala siya sa FHM victory party last weekend kung saan nakatakda sana siyang rumampa, pinagbawalan na siyang pumunta sa mga matataong lugar.
Napag-alaman na nagsimula ang pananakot kay Max sa pamamagitan ng text, may nagpadala raw ng message sa personal assistant niya na nag-uutos ditong makipagtulungan sa mga suspek para i-blackmail ang Kapuso star o iho-hostage ang aktres kapalit ng P1 million ransom.
Tinakot din daw ang kanyang PA na papatayin ang family nito kapag hindi sinunod ang mga utos nila.
Ayon kay Max, wala naman siyang alam na nakaaway o nakabangga niya para gawan siya ng ganito katinding pananakot at pagbabanta.
Dahil dito, pati raw ang kanyang pamilya ay doble na rin ang ginagawang pag-iingat. Sa ngayon, tumigil na raw ang mga suspek sa pagbabanta kay Max pero kailangan pa rin daw nilang mag-ingat dahil ang sabi nga sa kanila ng mga pulis, hindi dapat binabalewala ang mga ganitong uri ng pananakot.

Read more...