Gerald kay Sarah: Maligaya ako na masaya siya ngayon!

sarah geronimo

Maligaya si Gerald Anderson para kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Nakorner ng ilang entertainment reporter ang lead star ng Primetime Bida series na Nathaniel at isa nga sa mga naitanong sa binata ay ang tungkol sa sinabi ng Pop Princess na okay na raw sila uli matapos ang kontrobersiyal nilang relasyon noon.

Ayon naman kay Gerald, hangga’t maaari ay ayaw na niyang pag-usapan ang nakaraan nila ni Sarah dahil may kani-kanya na nga silang buhay ngayon.

Lalo na ang dalaga na meron nang bagong lovelife. May nagtanong naman kay Gerald kung okay ba sa kanya na magkasama uli sila ng singer-actress sa isang production number sa ASAP, ngayong okay na namana sila.

“Ako ‘yung maiilang, ako ‘yung mahihiya (na muling makasama ang kanyang ex-girlfriend as stage ng ASAP) kasi she’s one of the best performers sa Pilipinas. I’m just happy na she’s happy. She’s blooming,” anang aktor.

Pero paano kung pagsamahin uli sila sa isang pelikula? “Sabi ko nga kanina, ang pinaka-focus ko ay trabaho ko. Regardless, kung maganda ang proyekto, it would be my honor.

But ayaw ko na magsalita pa. Mahirap.”  Single pa rin si Gerald hanggang ngayon, wala pa raw kapalit sa puso niya si Maja Salvador.

Nasa trabaho raw ang atensyon niya ngayon, at sobrang happy daw niya dahil napakataas lagi ng rating ng Nathaniel. “Trabaho lang. Hindi po ako naghahanap.

Masaya lang po ako sa nangyayari ngayon. Doon muna ako sa tahimik. I’m just enjoying myself muna and become a better person,” chika ni Gerald.

Mas gusto ba niya na non-showbiz na ang next GF niya? “Hindi ko po alam. Hindi ko po masasabi iyon. Kung sino po ang nandiyan, whoever I fall in love with.

Pero like I said, ang dami ko pang kailangan matutunan sa sarili ko.”  Hirit pa ng binata, “Ang dami ko ring na-realize sa buhay ko. Ang dami ko ring pagkakamali.

Ang dami ko ring failures. Unti-unti, I’m trying to learn from it and become a better person. Siyempre alam ko pong nakasakit ako ng mga tao na I care about na hindi ko naman po sinasadya.

Nasaktan din ako siyempre but God is good. Let’s move on and become better people.”  Samantala, ayon kay Gerald, napakarami pang dapat abangan sa pagpapatuloy ng Nathaniel, lalo na ngayong unti-unti nang naglalabasan ang mga sikreto ng bawat karakter sa serye.

Napapanood pa rin ang Nathaniel after TV Patrol.

Read more...