MULING pinatunayan ni Kim Chiu ang kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa rumored boyfriend niyang si Xian Lim.
Kalat na kalat na sa social media ang mga litrato na kuha sa birthday party ni Xian na mismong si Kim ang nag-organize. Sorpresa ito ng Kapamilya actress kay Xian who just turned 26 last Sunday.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Xian ang mga larawang kuha sa kanyang birthday bash, kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng pumunta sa kanyang espesyal na araw.
Todo rin ang pagte-thank you ng binata kay Kim na talagang nag-effort para paligayahin siya sa kanyang kaarawan.
“It was very unexpected… akala ko naman mag sign up ka lang sa cooking course @chinitaprincess hindi naman ako handa humarap sa tao hehe…thank you sa pag imbita sa kanilang lahat and setting up the party,” ang nilagay na caption ni Xian sa kanyang IG post.
May mahaba ring mensahe ang Kapamilya hunk actor para sa kanyang 26th birthday, “Good morning everyone! Just wanted to share…nabasbasan po ako ni father kahapon sa misa at nakantahan ang lahat ng July celebrants ng happy birthday.
“Maraming salamat po sa lahat ng bumati sa akin at sa pagmamahal na pinaparamdam nyo (hear) thank you everyone for making my life so great.
You guys make every chapter exciting and unbelievable,” anang binata. Narito naman ang birthday greeting ni Kim sa kanyang ka-loveteam, “We dont meet people by accident, they are meant to cross our path for a reason. HAPPY BIRTHDAY XI!!!! @xianlimm enjoy your special day!!!”