Komedyante o eksperto? | Bandera

Komedyante o eksperto?

Ramon Tulfo - July 14, 2015 - 03:00 AM

DALAWANG magigiting na heneral ng Philippine National Police (PNP) ang magreretiro this week: Deputy Director General Leonardo Espina at Director Carmelo Valmoria.

Si Espina, na tatlong stars ang ranggo, ay PNP officer-in-charge, samantalang si Valmoria (dalawang estrella) ay director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

The country will miss Espina and Valmoria with their bowing out of the police service.

The PNP has become a better and more disciplined organization with Espina and Valmoria there.

Espina is hard on abusive and corrupt policemen. So is Valmoria who prides himself with lowering the crime rate in Metro Manila.

Sana lang ang mga papalit kina Espina at Valmoria ay maging kagaya din nila sa pagdi-siplina sa mga tiwaling pulis.
* * *

Sina Espina at Valmoria ay parehong produkto ng Philippine Military Academy (PMA).

Bago naging PNP deputy chief si Espina, siya’y naging hepe muna ng Highway Patrol Group at NCRPO.

Bago sa kanyang kasalukuyang puwesto, si Valmoria ay director ng Special Action Force (SAF). Ang mga napatay sa Mamasapano, Maguindanao sa pakikipaglaban sa mga bandidong Moro ay kanyang dating mga tauhan.

Godspeed, General Espina and General Valmoria!

Sana’y maging maligaya kayo sa buhay sibilyan.

* * *
Natatawa ang inyong lingkod nang binabasa ko ang sagot sa akin ni da-ting Sen. Aquilino “Nene” Pimentel Jr. tungkol sa pagkamatay ni Navy Ensign Phillip Pestaño sa loob ng cabin ng barkong BRP Bacolod City noong 1995.

Nasasakdal at nakakulong ngayon ang mga kasamahang opisyal ni Pestaño sa barko dahil pinagbibintangan sila ang pumatay sa kanya.

Makailang beses kong sinasabi na walang kasalanan ang mga akusado dahil pinatay ni Pestaño ang kanyang sarili.

Noong Hulyo 4 sa column na ito, inungkat ko na naman ang pagiging inosente ng mga akusado.

Ang aking paniniwala ay batay sa findings ng National Bureau of Investigation (NBI), Western (ngayon ay Manila) Police District, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ang private forensic expert na si Dr. Raquel Fortun.

Take note, dear readers, na inupahan ng pa-milya Pestaño si Fortun dahil hindi nila tinatanggap ang findings ng government investigative agencies.

Pero si Fortun mismo ay nagsasabi na ang batang Pestaño ang nagbaril sa kanyang sarili.

Sa kanyang liham sa mga editors ng INQUIRER, kung saan may column din ako, sinabi ni Pimentel na napawalang saysay ang findings ni Dr. Fortun dahil sa testimonya ng US expert na si Wayne Hill.

Ah, ang tinutukoy ng dating senador ay si Rev. Wayne Hill Sr. na isang pastor, movie co-producer, actor, stunt and ambulance driver at police liaison.

Si Hill ay tumestigo sa Senate committee on human rights at ang kanyang testimonya ay naging basehan sa findings ng Senado na pinatay si Pestaño ng kanyang mga kasamahan.

Napatanga marahil ang mga senador ng “wers, wers” ni Hill. Marahil ay hindi pa sila nakarinig ng salita ng isang Kano.

Ang basehan ng findings ni Hill ay mga litrato ng nasawi at ang scene of the “crime.”

On the other hand, si Fortun, ay nagpunta mismo sa cabin ng BRP Bacolod City kung saan natagpuang patay si Pestaño.

She examined all the angles and dent of the bullet on the wall of the cabin.

Si Fortun ay isang eminent forensics expert sa bansa at professor ng department of pathology ng college of medicine ng University of the Philippines .

Ang kanyang findings ay sinuportahan ni Professor Yoshitsugu Tatsuno ng department of legal medicine, Kobe University School of Medicine ng Japan.

Isa pang sumuporta sa findings ni Fortun ay si Dr. Richard C. Haruff, associate medical investigator ng US .

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon, sinong paniniwalaan natin: Si Hill na isa ring standup comedian o si Fortun, na isang expert?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending