Iniwan ng ka-live in (2) | Bandera

Iniwan ng ka-live in (2)

Joseph Greenfield - July 15, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Let-let N.H.A., Mandurriao, Iloilo City

Problema:

  1. Nakipag-live in po ako dati sa isang lalaki na may birthday na October 17, 1984 ang problema mag iisang buwan na sana kami sa darating na July 19, ay hindi na po niya ako inuuwian sa apartment na inuupahan namin at ang balita ko ay bumalik na siya sa dati niyang asawa. Ang problema hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya.
  2. Pero kapag itinetext ko siya at kino-call hindi na siya sumasagot at malamang na nagpalit na siya ng number. Compatible ba kami ng ka-live in kong ito at babalik pa kaya siya o mas dapat na mag move on na ako at maghanap na ako ng ibang lalaki na magmamahal sa akin ng tunay at pang habang buhay at isang lalaking binata para wala na akong kahati. December 25, 1988 ang birthday ko.

Umaasa,

Let-let Iloilo City

Solusyon/Analysis:

Astrology:

Ang zodiac sign mong Capricorn  (Illustration 2.) ay nagsasabing hindi mo ka-compatible ang dati mong ka-live in na may zodiac sign na Libra, kaya malabo na kayong magkabalikan, sa halip ang lalaking tunay na ka-compatible mo at magpapaligaya sa iyo habang buhay ay isang Cancer.

Numerology:

Ang birth date mong 25 ay nagsasabing matapos kang ma-broken hearted sa pagiwan sa iyo ng iyong ka-live-in sa taong ito ng 2015, pagsapit na pagsapit ng susunod na taong 2016, muli kang makakatagpo ng bagong ka-relasyon, na nagtataglay ng birth date na 2, 20 o kaya’y 29, kung saan, ang lalaki na ngang ito ang nakatakda mong makakasama habang buhay.

Luscher Color Test:

Upang suwertehin ka na sa susunod na pakikipag-relasyon isa  laging gumamit ng kulay na berde. Ang kulay na berde ang magdadala at mag hahatid sa iyo sa isang maligaya at pang habang buhay ng pag-ibig.

Huling payo at paaala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Let-let ayon sa iyong kapalaran huwag mo ng habulin pa at guluhin ang dati mong ka-live in na nagbalik na sa tunay niyang asawa, dahil kahit anong habol ang gawin mo hindi na siya muli pang magbabalik sa piling mo. Sa halip ang pinaka-mabuting gawin mo sa ngayon ay mag  move on ka upang sa susunod na taong 2016 sa edad mong 28 pataas, tiyak ang magaganap, sa isang lalaking binata na nagtataglay ng initial na J.A., tiyak ang magaganap, makakausmpong ka na ng isang tapat  at wagas na pag-ibig na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay na ring pagpapamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending