Sulat mula kay Let-let N.H.A., Mandurriao, Iloilo City
Dear Sir Greenfield,
Nakipag-live in po ako dati sa isang lalaki na may birthday na October 17, 1984 ang problema mag iisang buwan na sana kami sa darating na July 19, ay hindi na po niya ako inuuwian sa apartment na inuupahan namin at ang balita ko ay bumalik na siya sa dati niyang asawa. Ang problema hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin siya. Pero kapag itinetext ko siya at kino-call hindi na siya sumasagot at malamang na nagpalit na siya ng number. Compatible ba kami ng ka-live in kong ito at babalik pa kaya siya o mas dapat na mag move on na ako at maghanap na ako ng ibang lalaki na magmamahal sa akin ng tunay at pang habang buhay at isang lalaking binata para wala na akong kahati. December 25, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Let-let Iloilo City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1 at 2.) ang nakikita sa iyong palad. Ibig sabihin kung ang dating ka live-in mo ang unang lalaki na iyong minahal, at ngayon ay bumalik na siya sa legal niyang asawa, wag kang malungkot at lumuha, dahil siguradong sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may darating pang ikalawa, mas masaya at pang habang buhay ng relasyon sa iyong karanasan.
Cartomancy:
Two of Hearts, Two of Diamonds at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.) Ang mga baraha ang nagsasabing sa ikalawang pagkikipag-relasyon matapos kang iwanan ng dati mong ka-live in, tiyak ang magaganap, mas magiging masagana at mas magiging maligaya ka, hatid ng isang lalaking halos hindi nagkakalayo ang inyong edad.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.