Win No. 2 asinta ng Arellano, JRU | Bandera

Win No. 2 asinta ng Arellano, JRU

Mike Lee - July 14, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
10 a.m. Arellano vs EAC (jrs)
12 nn. Jose Rizal vs San Sebastian (jrs)
2 p.m. Arellano vs EAC (srs)
4 p.m. Jose Rizal vsSan Sebastian (srs)
Team Standings: Perpetual Help (3-0); San Beda (2-0); Letran (2-0); Arellano (1-1); Jose Rizal (1-1); Mapua (1-2); St. Benilde (1-2); San Sebastian (0-1); Lyceum (0-2); Emilio Aguinaldo (0-2)

MAGBABALIK ang tagisan sa 91st NCAA men’s basketball ngayon at pagtatangkaan ng Arellano University at Jose Rizal University ang pangalawang panalo sa The Arena sa San Juan City.

Kalaro ng pumangalawa noong nakaraang taon na Chiefs ang Emilio Aguinaldo College sa ganap na alas-2 ng hapon habang ang Heavy Bombers ay mapapalaban sa San Sebastian College dakong alas-4 ng hapon.

May magkatulad na 1-1 baraha ang Arellano at JRU at tiyak na hindi sila papayag na lumasap ng pagkatalo sa mga katunggali na hindi pa nakakakuha ng panalo sa liga.

Papasok ang tropa ni Arellano coach Jerry Codiñera mula sa 80-78 panalo sa Lyceum of the Philippines University nang lumabas ang inaasahang laro ng batikang point guard na si Jiovani Jalalon na may 20 puntos at 12 assists.

Malayo ito sa apat na puntos at pitong turnovers  na itinala ni Jalalon nang dinurog ang Chiefs ng Heavy Bombers, 61-78, sa unang asignatura.

Kailangang manatili ang magandang ipinakikita ni Jalalon, kasapi ng national team na nanalo ng gintong medalya sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore, dahil determinado ang Generals na makatikim ng panalo matapos ang dalawang sunod na pagkatalo.

Nawala naman ang mataas na respeto na ipinukol sa JRU bunga ng magandang panimula nang ilampaso sila ng Letran, 62-78, sa kanilang ikalawang laro.

Mangangailangan si JRU coach Vergel Meneses na makitaan uli ng bangis sina Teodoro Bernabe at John Ponejos katuwang ang mga imports na sina Abdoul Poutouochi at Abdul Wahab para matapatan ang intensidad na inaasahang ilalabas ng Stags para makabangon sa 86-88 pagkatalo sa host Mapua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending