Duterte kay Vice Ganda: Bakla ako noon, na-reform lang

viceganda-duterte-0713
INAMIN ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Vice Ganda na dati siyang bading.

“Bakla ako noon, na-reform lang,” sabi ni Duterte sa panayam ni Vice sa kanyang talk show na “Gandang Gabi Vice.

Bagamat pabiro, milyon-milyong mga Pinoy naman ang natuwa sa naging pahayag ni Duterte na kilala sa pagiging matapang.

Sa panayam kay Vice, iginiit ni Duterte na hindi siya tatakbong pangulo sa 2016 elections.

“I am not interested in the presidency. It doesn’t appeal to me,” dagdag ni Duterte.

Kasabay nito, tumanggi namang sabihin ni Duterte kung sino kina Interior Secretary Mar Roxas, Sen. Grace Poe at Vice President Jejomar Binay ang kanyang susuportahan sa darating na eleksyon, sa pagsasabing kaibigan niya silang lahat.

“I’d rather not state it publicly, baka sumama loob nila saken (they might feel bad and take it against me),” ayon pa kay Duterte.

Pinuri naman ni Vice si Duterte sa mga diretsong sagot nito.

“We’ll stick with the truth,” dagdag ni Duterte.

Kasabay nito, inamin ni Duterte na bukod sa kanyang dating asawang si Elizabeth Zimmerman, nagkaroon din siya ng tatlong girlfriend.

“Alam nilang sabay sabay silang lahat? (They didn’t know they’re having relationship with you all at the same time?)” tanong ni Vice.
Pabirong sumagot naman si Duterte ng:“Duda ko. Patay malisya silang lahat.

Ayon pa kay Duterte, ikakamatay niya kung wala siyang karelasyon.

Aniya, wala namang relasyon na pang-habambuhay.

Ipinagmalaki rin ni Duterte na walang binabastos na bading sa Davao City.

“Mag-respetuhan tayo. Sa Davao walang binabastos na bading,” aniya.

Nag-trending naman sa buong mundo ang hashtag na #DuterteOnGGV.

Read more...