Alex: Ok lang sa magulang ko na mag-dyowa ako, wag lang daw taga-showbiz!

alex gonzaga

“KESA masaktan ka, e, di du’n wait ka na lang sa taong pakakasalan mo!”

Ito ang pahayag ni Alex Gonzaga nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang lovelife ngayon.
Ayon sa TV host-actress, ayaw niyang pilitin ang isang bagay kung talagang hindi pa para sa kanya – tulad na lang ng pagkakaroon ng boyfriend.

Inamin naman niyang nakipag-date siya nang ilang beses, pero talagang waley pa rin. Sa presscon ng bagong proyekto ni Alex sa ABS-CBN, ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid, sinabi niyang handa siyang maghintay para sa lalaking nakalaan sa kanya, kaya ayaw niyang magmadali.

“Siguro it’s not meant to be. Ayaw ko talagang pilitin yung mga bagay na hindi talaga para sa ‘yo, e. Kasi ang ending ay masasaktan ka rin, masasaktan ka sa wala, ‘di ba?” chika ng aktres.

Ilan na ba ang naka-date niya? “Naka-date ko is tatlo. Yung pinaka-official is isa, non-showbiz siya. May nanliligaw sa akin? Wala. Inisip ko kasi, parang nakakahiya, wala.

Kasi ang ibig sabihin ng ligaw sa akin ay yung pumunta sa bahay.” Hindi naman kaya nai-intimidate sa kanya ang mga guys, o baka natatakot sa parents niya? “Di kasi dapat walang takot, kung mahal mo talaga ang isang tao.

Okey naman kay Mommy Pinty, basta ‘wag lang taga-showbiz. “Basta ang sabi lang niya, masasaktan daw siya kapag nagpakasal ako kaagad.

Kasi daw, wala raw akong dyowa, ‘tapos magpapakasal raw ako, masakit daw for her,” nakatawang sey pa ng sisteraka ni Toni.

Gusto rin ba ng parents niya ng long engagement for her tulad ng nangyari sa relasyon nina Toni at Paul Soriano? “Hindi naman niya ako pini-pressure nang ganun kasi, kung mag-i-eight years, magti-thirty five na ako magpapakasal, ‘di ba? So… hindi, basta ang sabi lang sa akin ng mommy ko, basta hintayin ko raw yung para sa ‘kin, darating din yun.”

Nai-share rin ng dalaga ang ilang kuwento sa kanya ni Toni nang bumalik ito sa bahay nila sa Taytay, Rizal para magbakasyon doon ng ilang araw. Pumunta kasi si direk Paul sa Sorsogon para sa shooting ng pelikula nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Si Paul ang producer ng movie.

“Wala, simple lang. Minsan daw, kapag nararamdaman niya raw ang buhok ni Paul sa legs, naiinis daw siya. Kasi first time nga niyang magkaroon ng katabi.

Tapos, ang aga-aga raw ni Paul magising, hindi siya maagang gumising. “Pero feeling ko, hindi pa niya nararamdaman ang total adjustment, kasi nag-i-enjoy, e.

First time nilang ginagawa ang lahat ng ito, e,” kuwento ni Alex. May sinabi ba sa kanya si Toni na masarap pala ang may asawa kaya dapat sumunod na siya? “Sana, ‘wag muna, ayokong may buhok sa legs.

Charot! Hindi, sana ‘wag muna, kasi ang dami ko pang gustong gawin. Ayaw kong magkaroon ng hindrance, ayoko muna.”

Samantala, magiging super busy na uli si Alex sa mga susunod na araw dahil magsisimula na ang taping para sa bago niyang serye sa ABS-CBN, sila ni Ejay Falcon ang bibida sa bagong kuwento ng Wansapanataym under Dreamscape Entertainment TV.

Chika ng dalaga, “Nu’ng malaman ko na ang makakasama ko ay si Ejay, at si Direk Andoy Ranay ang magdidirek, hindi na talaga ang nagdalawang-isip na gawin ito.

Alam ko na marami ang makakapanood nito, lalung-lalo na ang mga bata, at naniwala kaagad ako sa Dreamscape. Kung ano ang nakita nila, alam kong go ito, kaya go ako.”

Umaasa si Alex na magugustuhan din ng madlang pipol ang tandem nila ni Ejay sa Wansapanataym kahit na nga magkaiba sila ng genre na pinanggagalingan – mas kilala sa action at drama si Ejay habang sa drama-comedy naman nagustuhan ng manonoos si Alex.

“Si Ejay, magaling na aktor siya, e. Mas magaling nga siya, dahil versatile na actor si Ejay, e. Ang dami na niyang nagawa, e.

I’m sure magugustuhan nila ang show namin, ang team up namin, at magtutulungan kami para ganu’n nga,” paliwanag ni Alex.

Read more...