Vice: Wala silang nilabag na batas, hindi ka rin nila tinapakan!

vice ganda

IPINAGTANGGOL din ni Vice Ganda ang mga tinawag ng young recording artist na si Rhap Salazar na mga non-singer na mahilig daw mag-lipsync kapag nagpe-perform sa TV o live concert.

Ayon kay Vice tulad ng ibang legitimate o mga “totoong” singers, may karapatan din naman daw ang mga non-singer na marinig at makapagpasaya ng tao.

Mukhang hindi rin kasi nagustuhan ng TV host-comedian ang sinabi ni Rhap na, “I hate seeing artists lip-syncing on TV,” wrote Salazar on his Twitter account. “Yung iba nagkaka-album pa.”

Sa isang interview, inesplika ni Vice na hindi naman tama na pagbawalan o tanggalan ng karapatan ang mga non-singer na makapag-concert at makapag-record ng album.

“Sa pagtupad ng mga pangarap natin, hindi naman natin sinabi sa mga totoong singer na hindi na kayo puwedeng gumawa, kayo na lang.

Wala naman kaming ipinagkait, kinuha lang rin natin ‘yung karapatan natin,” aniya. Hindi rin matatawag na legitimate singer si Vice pero nakagawa na siya ng tatlong album, kaya ang resbak nito sa pagtataray ni Rhap Salazar, maging maingat sa pagkokomento, “As much as possible, let’s not use the word ‘hate.’ Puwedeng ‘I don’t like’ or ‘I am not in favor’ pero please, do not hate people lalo na wala naman silang nilabag na batas.

Hindi rin naman nila tinapakan ang karapatang pantao mo.” Suhestiyon pa ng komedyante, “Kailangan pagtulung-tulungan nating buhayin ang OPM.

Gumawa tayo ng totoo at legit at gumawa rin tayo ng mga kanta na bumebenta. Ito lang naman ang intensyon ng lahat: makapagpasaya.”

Kamakailan ay nag-release na naman ng bagong single si Vice, ang “Wag Kang Pabebe” na patok na patok na rin ngayon sa madlang pipol.

Isa si Vice sa iilang local artists na hindi sumang-ayon sa emote ni Rhap Salazar. Nauna rito, ipinagtanggol naman ni Gary Valenciano ang young singer at naiintindihan niya raw ang sentimyento ng bagets.

“If you see kung ano ang pinagdadaanan ng mga singers, it’s nakakaawa rin kasi marunong kumanta pero hindi napapansin dahil nabibigyan talaga ng priority ‘yung the more visually [appealing], yung mga nakikita,” paliwanag ni Gary.

Read more...