Cherie Gil waging best actress sa Madrid Int’l filmfest

cherie gil

WAGI ng Best Actress si Cherie Gil sa nakaraang 2015 Madrid International Film Festival para sa pelikulang “Mana” na idinirek ni Gabby Fernandez.

Ito n a ang ikalawang international award ng magaling na kontrabida ngayong taon, nauna nang kinilala ang galing ni Cherie bilang artista sa ibang bansa matapos tanghaling Best Actress sa 2015 Asean International Film Festival & Awards para sa indie movie na “Sonata” under the direction of Peque Gallaga and Lore Reyes.

Ayon kay Cherie, naniniwala siya na patuloy siyang ginagabayan ng yumao niyang kapatid na si Mark Gil, kaya sunud-sunod ang natatanggap niyang acting awards.

Read more...