Mang Ramon bumuti na ang kundisyon; Bong muling umapela sa Sandiganbayan

bong revilla

Nagdarasal ang pamilya Revilla na maging maayos na ang kundisyon ni dating Sen. Ramon Revilla, Sr., matapos nga itong isugod sa Medical Intensive Care Unit (MICU) ng St. Lukes Medical Center sa Taguig City nu’ng Sabado ng gabi.

Kasabay nito, planong mag-file ng kaukulang mosyon ang anak nitong si Sen. Bong Revilla sa Sandiganbayan ngayong araw para payagan siyang makadalaw sa kanyang ama sa ospital.

Mismong si Bacoor Congresswoman at daughter-in-law ni Mang Ramon ang nagbalita sa pamamagitan ng kanyangTwitter account na itinakbo ang dating action star-politician sa MICU ng St. Lukes, at nakiusap sa publiko na ipagdasal ang agarang paggaling nito.

“My Father in Law Sen. Ramon Revilla Sr. was rushed to St. Lukes Global MICU today. Prayers needed,” anang aktres-politiko.

Sa report ng Inquirer.NET, sinabi ng misis ni Bong na dahil sa “metabolic encephalopathy secondary to dehydration and aspiration pneumonia” kaya dinala sa ospital ang dating senador.

Ayon sa isang medical site sa internet, ang metabolic encephalopathy ay ang abnormalidad sa tubig, electrolytes, vitamins, at iba pang kemikal sa katawan na nakakaapekto sa pag-function ng utak.

Samantala, ngayong araw ay nakatakdang magsumite ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan ang legal counsel ni Sen. Bong na si Atty. Raymond Fortun.

Nakakulong ngayon sa Camp Crame si Sen. Bong dahil sa graft charges. “Hindi po namin magawa ngayon kasi sarado ang husgado. Pero bukas na bukas po ay tiyak na ifa-file po iyan.

Hopefully at pagbigyan siya ng Sandiganbayan,” anang abogado sa nasabing panayam. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nabatid na medyo umayos na ang kalagayan ng 88-year-old veteran actor-politician kumpara noong Sabado.

Ayon pa sa interview kay Atty. Fortun, “Nakakausap po siya ngayon, gising naman po. Kahapon medyo hindi makausap at matamlay na matamlay po talaga.

” Talagang medyo nag-alala po ang pamilya. After one day na nasa hospital, as expected, meron namang magandang pagbabago sa kanyang condition,” dagdag ng abogado.

Read more...