‘Faithful daughter of Bacolod’ napalayas agad sa Bahay ni Kuya

aliah

Si Ailah Antopina, ang “Faithful Daughter ng Bacolod,” ang ikalawang housemate na napalayas sa Pinoy Big Brother sa ginanap na eviction night noong Biyernes.

Nai-save ng madlang pipol sa pamamagitan ng text votes ang iba pang nominees sa second eviction night – sina Ylona Garcia, Bailey May, Zonia Mejia at Ryan Bacalla.

Si Antopina ang nakakuha ng pinakamababang boto with 10.38%. Ang second-time nominee na si Bailey ay nakakuha ng 29.28% boto habang si Zonia ay nakatanggap ng 23.4%.

Si Ylona ay nakakuha ng 21.89% habang si Ryan ay may 15.4%. Si Antopina ang kauna-unahang Muslim na nakasali sa PBB at anak ng isang OFW, at aminado ang bagets na idol na idol niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Read more...