‘Gusto kong mag-asawa nang maaga!’

sarah geronimo

MARIING pinabulaanan ni Matteo Guidicelli na binigyan na niya ng engagement o promise ring si Sarah Geronimo.

Kumalat kasi ang balita na sa isang intimate date raw ng dalawa ay isang singsing ang iniregalo ni Matteo sa kanyang girlfriend, ito’y para bigyan daw ng binata ang Pop Princess ng assurance sa kanilang relasyon.

Pero sa isang TV interview, sinabi ni Matteo na hindi pa naman daw sila umaabot sa ganu’n, wala pang proposal na nangyayari at wala pa siyang nabibiling singsing para sa dalaga.

Sey pa ng Kapamilya hunk actor, naniniwala siya na kapag binigyan niya ng singsing si Sarah, ‘yun na ‘yun, as in sa kasalan na talaga mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

At wala nang atrasan. Pero dagdag ng binata, ipinagdarasal niya na sana’y si Sarah na nga ang itinadhana para sa kanya.

“Siyempre, the person I’m with now is the love of my life. It’s something (kasal) I’ve thought about and siyempre, I wanna get married young, but I still have so many plans sa buhay ko na gusto kong matupad,” paliwanag ni Matteo.

Read more...