Stand-up comedian, ex-dyowa ni Katherine Luna pumanaw na

katherine luna

NAGUGULAT ako sa mga nakararating na mga balita sa akin lately. May mga nagkakasakit tayong friends at meron namang nakakagulantang na balitang some passed away na.

Nakakatakot na ang panahon ngayon – what a year it is! Before Michael Pangilinan and I left for Bacolod and Iloilo last Monday, nakarating sa akin ang balitang ang anak-anakan kong writer na si Romel Galapon is confined at UERM.

Nalungkot ako siyempre dahil mahal na mahal ko ‘yan. Hindi pa namin siya nadadalaw ni Michael dahil gipit pa kami sa oras pero sooner or later ay pupuntahan namin agad ito.

It has something with his blood kaya siya naospital and you know naman sa panahon ngayon when money is so scarce – ubos ang savings ng pamilya ni Romel talaga.

Pagdating naman namin, bumulaga ang balitang namatay si Tita Lucita Soriano at sinundan naman ito ng kaibigan namin sa sing-along circuit na si Nonoy Abnoy.

Ngayon naman ay huli ko na lang nabalitaan that my dear friend and kumpareng si JM (‘yung dating boyfriend ni Katherine Luna) passed away daw last week pa because of tuberculosis.

May chika pa na may nangyari naman daw kay Jimboy Salazar, ‘yung na-link dati kay Mahal pero subject for confirmation pa yata ito. Sana hindi totoo ang balita.

Huwag naman sana though nabalitaan ko a few weeks ago na sobrang payat na raw ni Jimboy the last time my friend saw him.

What’s happening to us? Ang daming problema lately – as in. Sana ay malagpasan natin ang mga kamalasang ito sa buhay natin.

Sana ay malagpasan natin ang napakaraming pagsubok na ito, kung kailan taghirap ay tsaka naman rumaragasa ang mga problemang pampinansiyal sa karamihan sa atin.

We really need a change – A BIG CHANGE talaga. Let’s break na the yellow brick road, okey?

Maaga ang shooting ng anak-anakan nating si Michael Pangilinan sa Calamba, Laguna para sa kaniyang launching movie na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na hango sa kaniyang hit song.

Marami silang kukunang scenes ng kaniyang “leading-lady” played by Edgar Allan Guzman. Ha-hahaha! Leading-lady talaga. Kaloka!

Nope! Edgar Allan plays gay kasi here na merong gusto kay Michael – refer to the song para mas malinawan kayo. Kaya aligaga-aligaga si Direk Joven Tan na unahin ang mga eksena nila together ni EA dahil ang hirap pagtugmain ang mga skeds nila. Pareho silang mga bisi-bisihan kasi.

“Nakakanerbiyos umarte pag tulad ni EA ang kaeksena mo. Kasi nga napakagaling niya. Kaya I have to work double time para hindi ako magmukhang tanga sa mga scenes namin together.

Maghubad na lang kaya ako para sulit. Ha-hahaha!” biro ni Michael na sigurado akong maloloka pag kukuhanan na ang mga flesh scenes niya.

Baka akala niya magpapa-cute siya rito – hindi oy! Magpapakita siya rito ng konting laman, ‘no! Humanda siya at baka sa susunod ay gagawin ko na siyang boldstar. Ha-hahaha! Joke lang!

Read more...