Jolo hindi napigilang humanga kay Jodi: Ang ganda ng new look ni Amor Powers!

jodi sta maria

HINDI napigilan ni Vice-Governor Jolo Revilla ang humanga sa bagong look ngayon ng kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Sa kanyang Twitter account idinaan ng aktor-politiko ang kanyang mensahe para sa Kapamilya actress, “Ang Ganda ng new look ni Amor Powers! #PSYUnveil!”

Ang tinutukoy ni Jolo ay ang bagong itsura ni Jodi sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN bilang si Amor Powers. Ilang linggo ring hindi nakita ang aktres sa nasabing soap opera, sa mga nakaraang episode, puro labi, buhok, daliri at likuran lang ni Jodi ang ipinapakita.

At nang bumalik na nga siya sa eksena noong Huwebes, July 9, at buong-buo nang ipinakita, ibang-ibang Jodi na ang bumulaga sa mga manonood.

Dito na nga napanood ang eksena kung saan nakikipag-meeting si Amor Powers sa mga kaibigang negosyante na magiging business partners niya sa itatayong mall chain na makakalaman ng Buena Mart na pag-aari nina Eduardo at Claudia Buenavista (Ian Veneracion at Angelica Panganiban).

Ang episode ring ito ang naging number one trending topic worldwide noong July 9.  Anyway, pinatunayan lang ni Jolo sa simple at maiksing tweet niya na very much together pa rin sila ni Jodi at nananatiling maganda ang kanilang relasyon ni Amor Powers.

Read more...