Xian tinawag na ‘Mr. Abs’ ni Kim; magkasabay nag-aral ng skin diving para sa bagong serye

XIAN LIM AT KIM CHIU

XIAN LIM AT KIM CHIU

Nagbigay ng patikim ang rumored couple na sina Kim Chiu at Xian Lim sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN.

Sumasailalim ngayon ang dalawa sa skindiving lessons para sa bago nilang project, kailangan daw na ma-perfect nila ang kanilang underwater skills.

Hindi man nagdetalye sina Kim at Xian tungkol sa kanilang mga role sa serye, mukhang may konek sa dagat ang susunod nilang soap opera na ididirek ni Mae Cruz Alviar. Ilang litrato ang nakita naming ipinost ng magka-loveteam sa kani-kanilang Instagram account habang nasa isang swimming pool kung saan ginagawa ang kanilang skindiving lesson.

Kailangan daw kasing matutunan ng dalawa na makatagal sa ilalim ng tubig na walang anumang diving or portable breathing equipment.

Sa isang picture na ipinost ni Kim, makikitang magkatabi silang nakaupo sa gilid ng isang swimming pool kung saan naka-topless si Xian. Kitang-kita ang magandang katawan si nasabing litrato kaya tinawag ni Chinita Princess ang kanyang ka-loveteam na “Mr. Abs.”

“Skin Diving lessons 101 with mr abs @xianlimm and sir jesslapid (my swimsuit, whiteshorts and pink dress all from #BENCH) @benchtm,” ang caption ni Kim sa nasabing larawan.

May idea na kami sa mga gagampanang roles nina Kim at Xian sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN pero hintayin na lang natin ang announcement ng ABS-CBN tungkol dito.

Read more...