Julia di nagparamdam ng problema kina Nonie at Shamaine

JULIA BUENCAMINO

JULIA BUENCAMINO

Hindi ganu’n kasimpleng tanggapin ang paraan ng pagkawala ng anak ng magaling na aktor na si Nonie Buencamino at ng kanyang misis na si Shamaine Centenera.

Kung ang mawalan ka nga ng mahal sa buhay sa paraang normal na katulad ng pagkakasakit ay mahirap nang tanggapin, ang pagbawi pa kaya ng buhay ng pumanaw ang magiging magaan sa dibdib, napahirap ng kanilang pinagdadaanan ngayon sa pagkawala ng kinse anyos nilang anak na si Julia Louise.

Isang anak na malayo pa dapat ang mararating sa kanyang karera, isang anak na ni hindi naman nagparamdam ng kanyang problema sa kanilang pamilya, siguradong hinahanap pa ngayon ng mag-asawa ang tamang katwiran kung bakit nagpakamatay ang kanilang bunsong si Julia.

Nagkagulatan na lang ang mga kaibigan ng pumanaw, lalo na ang kanyang mga katrabaho, masayahin daw naman sa set ang batang aktres kaya hindi maintindihan ng mga ito ang paraan ng kanyang pagkawala.

Ipagdasal na lang natin ang kapayapaan ng kaluluwa ni Julia Buencamino at ang pagpapakatatag ng mag-asawa sa matinding dagok na ito na dumating sa kanilang pamilya.

Ang taos-puso po naming pakikisimpatya sa mga inulila ni Juilia Louise Buencamino.

Read more...