SUSPINDIDO pa rin bukas ang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan bunsod na rin ng mga pag-ulan sa Metro Manila.
Nauna na nang nagdesisyon ang mga lokal na pamahalaan na ikansela ang pasok sa pre-school hanggang kolehiyo noong ngayong araw, bagamat nagdesisyon na isagad na ito ng Biyernes dahil na rin sa babala mula sa weather bureau na matinding pag-ulan bunsod ng habagat.
Pinatitindi ng bagyong Falcon ang nararanasang habat sa bansa habang papalabas naman ito ng bansa papuntang China.
Naunang nagdeklara ng walang pasok ang Quezon City kung saan inanunsiyo ng lokal na pamahalaan noong Miyerkules ng gabi na hanggang Biyernes na ang walang pasok.
Kabilang sa mga lugar na wala pa ring pasok bukas ay ang Maynila, San Juan City, Valenzuela City, Navotas City, Pateros, Mandaluyong City, Obando, Bulacan, Marikina City, Malabon City at San Mateo, Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.