Jean: Parang type ko namang mag-comedy!

jean garcia

Muli palang pumirma ng exclusive contract sa GMA ang seasoned actress at mars nating si Jean Garcia. Ayon sa TV host-actress, ramdam na ramdam daw niya ang alaga at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng GMA kaya naman handa itong mag-stay sa istasyon kahit ilang taon pa.

“Nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinigay ng GMA sa akin. Sabi ko nga, hangga’t kailangan ako ng GMA, hanggang happy sila sa akin at may tiwala sila sa akin, hangga’t kaya pa, bakit hindi (ako papayag na tumanda na rito)? Basta makapagpasaya tayo sa mga tao, makapagbigay tayo ng kaligayahan sa kanila at makapagserbisyo, andito lang ako.”

Dagdag pa ng The Half Sisters star, “I’m very thankful na puwera sa pag-arte, binigyan pa nila ako ng pagkakataong makapag-host so mayroon akong talk show yung Love Hotline.”

Open naman si Jean sa iba pang plano ng GMA para sa kanya, lalo na kung bibigyan siya uli ng pagkakataong sumabak sa comedy, “Gusto kong i-try, challenging sa akin ‘yun, although nakapag-sitcom na ako before yung Who’s Your Daddy Now.”

Read more...