Reklamo ng fans: Julia winawasak ang loveteam nina James at Nadine

JULIA BARRETTO, JAMES REID AT NADINE LUSTRE

JULIA BARRETTO, JAMES REID AT NADINE LUSTRE

AWARE kaya si Julia Barretto na maraming nagagalit sa kanya dahil nakakasira raw siya sa tambalang James Reid at Nadine Lustre?

Bukod kasi sa social media ay umamin na rin mismo ang ka-loveteam ni James na si Nadine na nakakaapekto nga ang pagsasama ng dalawa dahil marami silang bashers, pero personally, hindi naman naiinis ang Viva star.

Ang kaso, hindi lang ang JaDine supporters ang naiirita kay Julia kundi pati na rin ang fans nila ni Inigo Pascual dahil lumalabas na hindi man lang iniingatan ng batang aktres ang tambalan nila ng anak ni Piolo Pascual.

Kasalukuyan nang nagte-taping sina Julia at Inigo para sa seryeng And I Love You So kasama si Miles Ocampo handog ng Dreamscape Entertainment.

Oo nga, ano ba naman itong si Julia parang wala siyang care kung maapektuhan ang tambalan nila ni Inigo? At hindi ba niya naiisip na nakakasagabal din siya sa JaDine?

Napanood namin sa DVD ang “Hopeless Romantic” nina James, Nadine, Inigo at Julia, medyo na-bore kami kumpara sa naunang pelikula ng JaDine na “Diary ng Panget” at “Talk Back And You’re Dead”.

Parang naulit lang kasi ang kuwento ng “Hopeless Romantic”.

Walang masyadong nakakatawa o nakakaaliw na eksena dahil seryoso nga ang kuwento.

Hinahanapan namin ng kilig ang pelikula, pero wala kaming naramdaman, maging sina Julia at Inigo ay parang naglaho, anong nangyari? Bakit nu’ng magbida sila sa isang episode ng Wansapanataym ay may kilig naman sila?

Bukod dito ay hindi rin guwapo si James sa pelikula dahil nga pinaitim siya, sa madaling salita hindi bagay sa aktor ang dark. Mas malakas ang appeal ng kanyang pagiging mestiso.

Sa tanong ng entertainment press kay Nadine sa nakaraang presscon ng horror movie na “Chain Mail” na si Julia ang dahilan kaya naging mahina ang “Hopeless Romantic” sa takilya, aniya, parang unfair naman ito sa batang aktres. Malaki rin naman daw ang naitulong ni Julia sa pelikula.

Anyway, tahimik lang si Julia sa isyu, at hindi pa nagsasalita sa lahat ng ibinabatong isyu sa kanya na tingin namin ay pinaghahandaan niya ang isasagot niya sa bashers niya.

Hmmmmm, kailan ba ang presscon ng And I Love You So para maitanong na natin ang lahat ng ito sa dalaga?

Read more...