Daniel sa showbiz career ni Karla: Kung saan po siya maligaya, nakasuporta tayo!

daniel padilla
Suportado ni Daniel Padilla ang showbiz career ng kanyang inang si Karla Estrada. Sey ng Teen King, kung saan maligaya ang kanyang nanay ay masaya na rin siya.

At nakikita naman daw niya na talagang nag-eenjoy si Karla sa pagbabalik nito sa showbiz, lalo na nu’ng maging contestant ito sa reality talent show na Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN kung saan pinatunayan nga ng tinaguriang Queen Mother na may ibubuga pa siya sa pagkanta.

In fairness, dahil nga sa mga performance na ipinakita niya sa YFSF ay magkakaroon na rin siya ng sariling album very, very soon.

“Gusto ko mga inspirational songs ‘yun talaga ang gusto ko maka-inspire sa musika,” chika ni Karla sa isang interview. Magsisimula na raw siyang mag-record pagbalik niya galing sa Philadelphia.

Bibisitahin kasi ni Karla roon ang kanyang tatay. Sey pa ng singer-actress, “Sobrang malaking tulong lang ang Your Face, talagang doon muling nabuhay ang singing career ko kaya kahit na-lost ako, may positive pa ring naganap, di ba?”

Samantala, tuloy na tuloy na nga ang dalawang linggong pagbabakasyon ni Karla sa Amerika, “Ito ‘yung third time na makikita ko siya (tatay niya) sa buong buhay ko.

Baka ‘yung isang kapatid ko ay kikitain ko doon.” Chika pa ng nanay ni Daniel, proud na proud din daw ang tatay niya sa tagumpay na tinatamasa ng apo nitong si Daniel, “Maraming Filipinong tao sa ibang bansa so madami siyang nakakausap tungkol diyan.

Masayang-masaya siya.”  Samantala, maraming pumupuri sa akting ng Teen King sa seryeng Pangako Sa ‘Yo, pati na rin sa rumored girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.

Talagang hindi nagpapalamon ang dalawa sa galing ng mga kasamahan nilang veteran stars.

Read more...