Kris kinawawa ng netizens dahil kay Maria Ozawa

kris aquino

Nagbigay na ng maigsing pahayag si Kris Aquino tungkol sa pinagpistahang isyu na sinabi diumano niya na huwag nang iugnay sa kanyang kapatid na pangulo ang Japanese porn star na si Maria Ozawa dahil marami nang lalaki ang gumamit sa babae.

Dahil kilala nga sa pagiging taklesa si Kris ay maraming naniwala sa lumabas, kani-kanyang wagwagan na naman ang dila ng mga netizens, binalikan ng mga ito ang aktres-TV host sa pagkokomentong, “Look, who’s talking!”

Sabi ni Kris, bilang depensa sa kanyang sarili, kung gustong mapag-usapan ng mga naglabas ng kuwento ay huwag naman sana siya ang gamitin.

Wala siyang sinasabing anuman tungkol sa Haponesang porn star, wala ring nakakainterbyu sa kanya, kaya wala siyang kinalaman tungkol sa isyu.

Du’n lang kung minsan natatalo si Kris. Kahit hindi niya naman sinasabi ang mga bagay-bagay na makasisira sa ibang tao ay maraming naniniwala na kaya niyang magsalita ng ganu’n.

Ang imahe nga niya kasi ay sobrang dulas ng kanyang dila, taklesa siya, mabilis siyang humusga sa kahit sino. Tuloy ay nauupakan siya sa social media, mas masasakit na salita pa ang natitikman niya, samantalang wala naman siyang kinalaman sa kontrobersiyang ipinaaako at ibinabato laban sa kanya.

Du’n lang madalas na napupuruhan si Kris Aquino. ‘Yun na kasi ang imahe niya, du’n na siya nakilala ng publiko, kaya nalalagay siya sa indulto.

Read more...