Comelec chief tutol sa hybrid polls sa 2016

bautista
SINABI kahapon ni COMMISSION on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na gagastos ng malaki ang gobyerno sakaling ipatupad ang hybrid system para sa 2016 elections.
Sa kanyang pagdalo sa kauna-unahang “Meet the Inquirer Multimedia” forum, idinagdag ni Bautista na mas mahal ang hybrid kumpara sa pagpapasaayos ng mga precinct count optical scan machines at pagbili ng mga bagong unit ng PCOs.

“Hybrid (system) will be more expensive than both. I think the components (make hybrid polls) more expensive,” sabi ni Bautista.
Sa ilalim ng hybrid system, na mas kilala bilang Precinct Automated Tallying System (PATaS), pagsasamahin ang automated transmission at canvassing at manu-manong pagbibilang.
Sinabi naman ni Bautista na gagastos ang Comelec ng P3 bilyon hanggang P4 bilyon para sa pagsasaayos ng 82,000 PCOs machine, samantalang aabot naman sa PP7.8 bilyon ang pagbili ng mga bagong PCOS.

“We want to resurrect the option of refurbishing the PCOS machines because that maybe is the most cost effective solution,” dagdag ni Bautista.
Idinagdag ni Bautista na meron naman ang Comelec hanggang Hulyo 31 para makapagdesisyon kung ano ang gagamiting sistema para sa 2016 eleksyon. Inquirer.net

Read more...