Pacquiao bibisita kay Mary Jane Veloso sa Indonesia

paccquiao-abs
NAKATAKDANG bumisita si pambansang kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao kay Mary Jane Veloso sa Indonesia bukas.
Ayon sa source, prinoproseso pa ng Attorney General’s Office of Indonesia ang kahilingan ni Pacquiao para madalaw si Veloso na kasalukuyang nakaditine sa Yogyakarta prison matapos namang masintensiyahan ng kamatayan dahil sa drug trafficking.
Idinagdag pa ng opisyal na sasamahan si Pacquiao ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa kanyang nakatakdang pagbisita kay Veloso.
Sa kanyang Instagram, nagpost si Pacquiao ng litrato kasama ang kanyang asawang si Jinkee na may nakasulat na “On our way to Indonesia.”

Sinabi pa ng source na inaabangan na si Pacquiao ng mga mamamayan ng Indonesia matapos lumabas sa mga ulat na tatlong araw siyang mamamalagi sa naturang bansa para sa shooting ng isang komersiyal para sa isang tradisyunal na gamot ng Indonesia.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na nakatakda siyang bumisita kay Pacquiao sa pagitan ng Hulyo 8 at Hulyo 10 at hihilingin niyang makipagpulong kay Indonesian President Jokowi Widodo.
Ipinagpaliban ang pagbitay kay Veloso matapos lumabas ang impormasyon na nakakulong ang kanyang recruiter na si Kristina Sergio.

Read more...