La Mesa dam aapaw

river
Mabilis na tumaas ang tubig sa La Mesa dam sa Quezon City at posibleng umapaw ito kung magpapatuloy ang pag-ulan.
Kahapon ay itinaas ang red alert status sa dam matapos umakyat ang tubig ng dam sa 79.58 metro malapit na sa spilling level na 80.15 metro.
Walang gate ang La Mesa dam kaya aapaw lamang ang sobrang tubig nito at pupunta sa Tullahan River at posibleng magpabaha sa mga pupuntahan ng tubig nito gaya ng Valenzuela, Navotas at Malabon.
Ang iba pang dam gaya ng Angat, na pinanggagalingan ng tubig ng Metro Manila ay malayo pang mapuno.
Noong nakaraang buwan ay inanunsyo ng National Water Resources Board na babawasan ang suplay ng tubig sa Metro Manila mula sa Angat dam dahil sa mabilis na pagbaba ng lebel ng tubig nito.

Read more...