Teen actress na anak ng kilalang showbiz couple nagpakamatay

JULIA BUENCAMINO

JULIA LOUISE BUENCAMINO

NAG-SUICIDE sa pamamagitan ng pagbibigti ang 15-year-old Kapamilya youngstar na si Julia Louise Buencamino, anak ng showbiz couple na sina Nonie at Shamaine Buencamino.

Regular na napapanood ang dalagita sa daytime series ng ABS-CBN na Oh My G! kung saan gumaganap siyang best friend ng bida sa serye na si Janella Salvador.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na rumesponde sa tahanan ng mga Buencamino, natagpuan si Julia ng kanilang kasambahay na nakabitin mula sa kisame ng kanilang bahay sa Quezon City bandang alas-8 kagabi, July 7.

Isinugod pa si Julia sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa report ng ABS-CBN, nakiusap ang tatay ni Julia na si Nonie sa mga pulis na huwag nang ituloy ang imbestigasyon dahil naniniwala siyang nagpakamatay nga ang kanyang anak. Si Julia ay bunso sa apat na anak nina Nonie at Shamaine.

Kahapon, bumaha ng pakikisimpatya sa pamilya Buencamino mula sa mga kaibigan at kakilala ni Julia.

Kasabay nito ang pagkalat ng isa sa mga selfie photo niya na kanyang ipinost sa Instagram na may caption na: “Are you over promstuck yet? The answer is no. awesome shot and minor edits by abi, as usual.”

Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa nag-iisyu g official statement ang pamilya ni Julia tungkol sa dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Read more...