Cabinet Sec. humirit ng pondo para sa ads ni Love

TALAGA namang head over heels ang pag-ibig ni Mr. Cabinet Secretary at nagawa pa niyang ipakiusap sa “itaas” na maglagay ng pondo sa opisina ng kanyang girlfriend na opisyal naman ng isang government owned and controlled corporation (GOCC).

Kahit na hindi kailangan ang malaking budget para sa advertisement ng naturang ahensya ay nagawa ng kalihim na ihirit sa kapwa niya opisyal na mataas na rin ang hairline na bigyan ng dagdag na pondo ang opisina ni Madam.

Eh bakit nga ba? Kasi po ay tatakbong muli sa national elections ang naturang lady official kaya sa pagkakataong ito ay todo na ang suportang ibinibigay ni Sir lalo na pagdating sa financial help.

Medyo na-trauma kasi si Madam sa mga nakalipas na halalan at para hindi na ito ma-depress kailangan ang ultimo-suporta ng kanyang lovey-dovey-de-papa.

Noong nakaraang eleksyon ay pa-secret pa ang pagtulong ni Sir na matagal na rin niyang kasama sa isang caused-oriented group.

Ang dating samahan na nakatuon para sa kabutihan ng bayan ay nauwi sa samahang punong-puno ng pag-iibigan.

At dahil sa tindi ng pag-ibig ni Sir ay nagawa niyang maihirit sa residente ng Bahay Pangarap na maipwesto sa isang makapangyarihang GOCC si Madam.

Sa kasalukuyan ay umeere na sa mga himpilan ng radyo at telebisyon lalo na sa mga lalawigan ang patalastas ni lady official pero ang naka-pronta kunwari ay ang mga benepisyong handog ng GOCC na kanyang kinaaaniban.

Daig pa niya ang mismong chairman at presidente ng GOCC na ito na wala man lamang exposure sa naturang radio at TV ads.

Dahil sa mahal ng bayad sa mga TV commercials dito sa Metro Manila kaya nagpasya muna sina Sir at Madam na gawing limited ang exposure ng lady official baka nga naman masilip sila ng Commission On Audit.

Sinabi ng ating makabayang cricket na pinayagan ng board ng naturang GOCC ang pagpondo sa nasabing mga advertisements dahil sa instruction na nanggaling sa isang mataas na lider ng gobyerno.

Sino nga naman ang papalag lalo’t ibinigay muna ang performance bonus ng mga miyembro ng board bago tinalakay ang budget para sa media exposure kuno ng kanilang opisina samantalang ang main subject naman ng patalastas ay hindi ang GOCC kundi si Madam?

Sayang at nakilala pa naman ang girl na ito sa kanyang paninindigan para sa matinong pamahalaan pero kalaunan ay kinain din sya ng sistema na marahil ay impluwensya na rin ng kanyang boyfriend na ilang beses nang nasangkot sa mga kalokohan at kontrobersya.

Ang lady official na sangkatutak ang mga radio at TV ads lalo na sa mga lalawigan ay si H.R….as in Honey Ribs.

Ang lalaking opisyal naman na tumatayong financial adviser/manager ni Madam ay si Sec. L.R….as in Long Rifle.

Read more...