Hindi maka-move on

GOOD afternoon ho, Manang Pher at mga katropa. Hihingi ho sana ako ng advice. Ako po si Shain, 18- years old at taga-Bacolod.

Manang, paano po bang mag-move on sa ex? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi niloko lang niya ako. Meron naman po akong naiibigan na bago pero hindi pa rin ako maka-get over sa ex ko. Ano ba ang kailangan kong gawin para maka-move on na at magmahal na uli?
Shain

Shain, tandaan mo na lahat tayo ay may sariling paraan ng pagmo-move on at kung gaano katagal ay depende sa atin. Personally, I think you have to keep yourself busy with your studies and your hobbies.

Enjoy traveling and seek out good company, like your family and friends.

Makakatulong din talagang mag-entertain ng ibang manliligaw para ma-divert ang attention mo. But as young and as pretty as you are, I think huwag mo muna seryosohin ang pag-ibig. Ang tamang tao ay darating sa tamang panahon. Tandaan, kung mahal ka, hahabulin ka. Kung hindi na, huwag na mag-aksaya ng oras sa kanya.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...