Relasyong Sarah-Matteo nanganganib?

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

TOTOO nga kaya ang mga tsismis na kumakalat na “on the rocks” na raw ang relasyon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

May kuwento kasing lumabas na hindi raw nagpansinan ang magdyowa nang hiwalay silang nag-taping para sa hiwalay na guesting nila sa Gandang Gabi Vice na ipinalabas nga last Sunday.

Si JC de Vera ang kasamang nag-guest ni Matteo sa show ni Vice habang si Piolo Pascual naman ang kasabay ni Sarah. Mas lalo pang lumaki ang issue nang mismong ang Pop Princess na ang nagsabi na totoong may pinagdaraanan din sila ng kanyang dyowa tulad ng ibang couples.

“Hindi naman maiiwasan ‘yung mga trials. Pero okay kami,” ang sabi ni Sarah.

Pero pahayag naman ni Matteo, wala naman daw ibig sabihin ang hindi nila pagkikita sa taping ng GGV kahit na nga pareho na silang nasa bisinidad ng ABS-CBN.

Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight kay Matteo, nilinaw nito ang tsismis tungkol sa relasyon nila ni Sarah.

Bago ito, nauna nang nagsalita ang aktor sa isang interview na okay pa rin sila ni Sarah, “There are little challenges here and there. She’s really busy right now and I’m busy right now. Work’s first all the time. When the schedule is full, just focus on work, and when there’s free time, there (we meet).”

Busy ngayon si Matteo sa preparasyon para sa concert nila nina JC de Vera at Daniel Matsunaga na “Dreamboys” na magaganap na sa Sabado, habang si Sarah naman ay naging abala sa promo ng “The Breakup Playlist” movie nila ni Piolo Pascual at sa The Voice Kids kung saan isa siya sa mga coach. Ito raw ang dahilan kung bakit hindi sila masyadong nakakapag-bonding ni Sarah.

Nang muling tanungin kung on the rocks na nga ang relasyon nila ni Sarah, “No, no, no. We’re fine, everything’s fine, smooth. We’re just busy with work.”

Read more...