Ella pahinga muna sa pagpapaseksi, sasabak sa horror-comedy

ELLA CRUZ

ELLA CRUZ

Nilinaw ni Ella Cruz ang tsismis sa kanila ng young hunk actor na si Bret Jackson. Wala raw silang relasyon ng binata pero totoong naging maganda ang relasyon nila nang magkasama sila sa isang episode ng Wattpad Presents ng TV5.

Nakachika natin ang Kapamilya turned Kapatid star nang dumalaw ito sa opisina ng BANDERA kamakailan kasama ang mga bagets na sina Andrei Garcia at Ryle Paolo Santiago (anak ni Sherilyn Reyes kay direk Jun Jun Santiago) na bibida nga sa bagong horror-comedy series ng TV5 na #Parang Normal Activity.

Ayon kay Ella, friends lang daw talaga sila ni Bret, nabibigyan lang daw ng ibang kulay ang kanilang closeness. Pero ayaw naman daw niyang magsalita nang tapos na hanggang magkaibigan lang ang magiging relasyon nila ng binata, basta ine-enjoy lang daw nila ang kanilang friendship.

Kahit daw wala na silang ginagawang proyekto, tuloy pa rin daw ang komunikasyon nila at kung may free time ay pwede pa rin silang magkita.

Samantala, nilinaw din ng dalaga na hindi naman niya tuluyang nilayasan ang ABS-CBN, hiniram lang daw siya ng TV5 habang wala pa siyang ginagawang bagong teleserye sa Dos.

“Nagpapasalamat nga ako sa Star Magic dahil pinayagan nila akong mag-TV5, tsaka ibang-iba naman din kasi ang ginagawa ko sa Kapatid network, after ng Bagito na medyo sexy and daring, dito sa Parang Normal Activity medyo balik-wholesome po ako. Nagbiburuan nga kami palagi sa set, sabi ko matindi ang costume requirement ko rito, kasi lagi akong naka-school uniform!” tawa nang tawang chika sa amin ni Ella.

Super grateful din daw si Ella dahil personal siyang pinili ng production team nina Perci Intalan at Jun Lana na siyang co-producer ng TV sa nasabing show. “It’s really a wonderful experience working with them. Hindi nila pina-feel sa akin na taga-ibang network ko. At marami akong natututunan sa kanila.”

Tiyak na mag-eenjoy ang mga bagets sa Parang Normal Activity – tungkol ito sa isang grupo ng mga teenager na bumubuo sa Paranormal Club. Magkakasama sa grupo sina Ella, Shaun Salvador, Ryle Paolo at Andrei para i-solve ang mga nagaganap na misteryo at nakakatakot na mga pangyayari sa loob ng kanilang campus.

Pero ang twist dito, multo na pala ang karakter ni Ella at tanging ang tatlong lalaking kaibigan niya ang nakakakita sa kanya dahil nga may third eye ang mga ito.

Directed by Perci Intalan, magsisimula na ang Parang Normal Activity sa July 11, 8 p.m. sa TV5.

Read more...