Toni: Akala ko pagkatapos ng kasal, araw-araw na ang sex!

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

KINUMPIRMA ng Ultimate Multimedia Star at Box-Office Queen na si Toni Gonzaga na dapat ay mawawala na ang sitcom nila ni John Lloyd Cruz na Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

May kinalaman sa pag-aasawa ni Toni ang supposed to be pagtiklop ng show nila ni John Lloyd sa Kapamilya network.

“Hindi kasi nga dahil mag-aasawa na ako. Akala nila, baka ayoko nang gawin ‘yung sitcom. Parang baka mabago ang direksyon (ko). Pero pareho pa rin naman. So, go pa rin ako,” ani Toni.

Nag-replay ang show for two weeks dahil kay Toni dahil nag-beg off daw muna siya na mag-taping.

Syempre, need naman ni Toni na mag-honeymoon sila ni Direk Paul. And after ng honeymoon nila sa Amanpulo, masusundan pa raw ‘yan sabi ni Toni, “Naku, marami ‘yan. Series!”

Mukhang baby daw ang face ni Direk Paul, “Ang cute! Napaka-cute ng mukha!”

May lungkot naman sa labi ni Toni when she said na hindi naman daw everyday may “ganap” sa kanila ni Direk Paul.

“Akala ko nga ganooon ‘yun, e, everyday. Hindi rin pala. Ako gusto ko everyday. Pero minsan pala kapag pagod ka na o kaya ang daming iniitindi, minsan masaya ka na may katabi ka. Hindi pala ibig sabihin palaging ganoon. Doon ko na-realize na sex is not the most important thing about marriage.

May bahagi lang siya,” esplika ni Toni.

“How I wish,” naman ang sabi ni Toni sa amin when we asked her reaction sa intrigang pinagkakitaan daw nila ni Direk Paul ang kasal nila noong June 12. Dagdag pa ni Toni, “Si Paul, pero ewan ko kung magkano…si Paul lahat nagbayad, e. Ano ko lang…wedding gown ko lang, pero hindi rin, (wedding) gift din ni Tito Boy (Abunda).”

Siya ang bumili ng gown sa Hongkong at pagkatapos ay ni-refund sa kanya ni Boy.

Nag-react din si Toni sa intrigang may mga hindi nagandahan sa wedding gown niya kahit ang pamosong fashion designer na si Vera Wang ang gumawa nito.

“E, kasal ko naman ‘yun. Kapag kasal mo, gagawin mo lahat ng gusto mong gawin. Susuutin ko kung ano ang gusto kong isuot kasi kasal ko ‘yun. Kung anuman ‘yung ginawa namin doon, sinuot ko, kinanta ko, sinabi ko, kinain namin, kasal naman namin ‘yun. Hindi naman nila pera ‘yun, pera naman ni Tito Boy ‘yun, pera naman ni Paul ‘yun. So, hayaan na natin,” paglalahad ni Toni.

Read more...