MULA nang lumipat si Jolina Magdangal sa ABS-CBN, sunud-sunod na ang kanyang proyekto, as in wala talaga siyang pahinga sa pagtatrabaho.
Feeling nga raw ni Jolens parang muling sumigla ang kanyang career nang magbalik-Kapamilya siya. In fairness, puro magagandang projects ang ibinibigay sa kanya ng network.
Una na nga riyan ang afternoon series nila ni Marvin Agustin na Flordeliza, sumunod ang super successful na Your Face Sounds Familiar, kung saan pumanglima siya sa ranking bago ang grand showdown.
At hindi pa nga natatapos ang Flordeliza ay binigyan na agad siya ng follow-up series ng Dreamscape Entertainment Television, ang Written In Our Stars kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual, Sam Milby at Toni Gonzaga, sa direksiyon ni Andoy Ranay.
“Talagang masayang-masaya po ako na napasama po ako sa project na ito. This is my first time to work with Dreamscape, so happy po ako talaga. First time ko silang (Piolo, Sam at Toni) makakasama.
“Siguro ‘pag may shows lang like si Toni, si Papa P sa ASAP. Pero ‘eto sa soap opera first time ko silang makakasama,” dagdag ni Jolens.
Sey pa ni Jolina, swerte lang siya dahil, “Siguro timing nga rin lahat e, na nanganak na ako, ‘tapos naka-recover na ako, puwede na akong mag-workout, yung mga ganu’n. Kasi ‘pag CS (Caesarean section) hindi naman agad-agad, ‘di ba?
“So, timing ang lahat. Tapos bumalik ako dito sa ABS-CBN. Tapos yung first show na ibinigay sa akin with Marvin, na kumportableng-kumportable talaga ako, tapos Direk Wenn Deramas.
“And itong second soap, first time kong makaka-work yung Dreamscape, na nung dati naririnig ko pa lang, nag-imagine rin ako na gusto ko silang maka-work, parang ganu’n. Ngayon na nangyayari lahat ito, in a way nao-overwhelm pa ako, e.
“Pero lately napapansin ko, lalo na eto dumating itong show na ito, sobrang thankful ako talaga and patuloy pa akong magiging thankful sa lahat ng pagmamahal na ibinibigay sa akin ng ABS ngayon.
“Ilang taon din akong nawala, 12 years din iyon, so pagbalik ko sobrang sarap ng feeling. Akala ko lang yung feeling ng pagbalik masayang-masaya na ako noon e, pero yung ibinibigay pa nila more pa.
“Kung mayroon pang hihigit sa thankful at grateful, yun siguro yung puwede kong sabihin kasi masayang-masaya talaga yung kalooban ko.
“And happy ako na itong susunod kong soap, sila yung katrabaho ko, na hindi ko akalain na makakatrabaho ko,” tuluy-tuloy na chika ni Jolens sa presscon ng Written In Our Stars.
Inamin naman ni Jolens na kinilig siya nang malaman niyang makakasama niya sa serye sina Piolo at Sam, “Alam n’yo kahit siguro ang tagal ko na rin sa industriya ‘tapos kapag nakakatrabaho ako ng mga poging katulad nila, siyempre kinikilig pa rin ako.
“Wala namang masama du’n, ‘di ba? Kasi ganu’n talaga, girls tayo, ‘di ba? Aminin na natin. Pero ang nakakatuwa roon, kilala na namin sila, at alam namin na magagaling silang mga aktor. Pero nakakatuwa na ang popogi nila.
“Kasi pangit naman yata kung kinikilig ka sa pangit, ‘di ba? So, masaya ako na first time kong maka-work sina Sam at Piolo sa soap. So happy ako na pogi sila,” pahayag pa ng singer-actress.
Bigla namang humirit si Piolo ng, “Hindi ba pogi si Marvin?”
“Oy, wala akong sinabi ha?” mabilis namang sagot ni Jolina.
Tungkol naman kay Toni na first time rin niyang makakatrabaho, “Ako sobrang nagagalingan ako kay Toni. Napapanood ko yung mga movies niya.
“Nagagalingan ako sa kanyang mag-host, kumanta, at saka umarte kahit drama ha, drama-comedy, kasi natural na natural ang atake niya. Kaya happy ako na nagkaroon kami ng project together dito sa ABS,” sey pa ni Jolens.
Very soon ay magsisimula nang mag-taping ang Written In Our Stars.