Mayweather hinubaran ng WBO title na kanyang naagaw kay Pacquiao

floyd mayweather
TINANGGAL kahapon ng World Boxing Organization kay Floyd Mayweather Jr. ang welterweight championship belt na kanyang naagaw kay Manny Pacquiao nang sila ay nagharap nitong Mayo sa Las Vegas, Nevada.
Ito ay matapos na mabigo si Mayweather na magbayad ng $200,000 sanctioning fee sa WBO sa sagupaan nila ni Pacquiao na napabalitang kumita ng mahigit $220 milyon.
Ayon sa panuntunan ng WBO, kailangang magbayad ng 3 percent sanctioning fee ang mga boxers na lumaban para sa world title.
Ipinagbabawal din ng WBO na humawak ng ibang world titles sa ibang weight divisions ang mga champions nito. Si Mayweather din ang kinikilalang kampeon ng WBC at WBA sa junior middleweight (154 lb) at welterweight (147 lb).
Sa isang kalatas, sinabi ng WBO na “Mr. Mayweather, Jr. failed to pay the $200,000 fee required of him as a participant of a WBO World Championship Contest.
“Despite affording Mr. Mayweather Jr. the courtesy of an extension to advise us of his position within the WBO Welterweight Division and to vacate the two 154-pound world titles he holds, the WBO World Championship Committee received no response from him or his legal representatives on this matter.
“The WBO World Championship Committee is allowed no other alternative but to cease to recognize Mr. Floyd Mayweather, Jr. as the WBO welterweight champion of the world and vacate his title.”
Matapos na manalo si Mayweather (48-0, 26 KOs) kay Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) noong Mayo, sinabi ng wala pang talong boxer na balak niyang lisanin ang lahat ng kanyang mga korona at lalaban sa kahuli-hulihang pagkakataon sa darating na Setyembre.
Kasalukuyan pang namimili ng makakasagupa si Mayweather sa kanyang laban sa Setyembre 12.
Si Timothy Bradley, na nanaig kay Jessie Vargas sa kanilang WBO interim welterweight fight noong Hunyo 27, ang tatanghaling kampeon ng WBO.

Read more...