Satisfied sa Aquino government dumami- SWS

NOYNOY AQUINO

NOYNOY AQUINO


Tumaas ang satisfaction rating ng Aquino government, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Mula sa 19 porsyento noong Marso, umakyat sa 31 porsyento ang net satisfaction rating (55 porsyentong satisfied, 24 dissastisfied at 20 porsyentong undecided) ng gobyerno ni Pangulong Aquino sa survey noong Hunyo.
Ang net rating na ito ay may kategoryang ‘Good’ batay sa pamantayan ng SWS.
Tumaas ang lahat ng rating ng gobyerno sa buong bansa maliban sa Metro Manila na nakapatala ng 18 porsyento mula sa 21. Sa iba pang bahagi ng Luzon ay 29 mula sa 8 porsyento, 43 sa Visayas mula sa 34 at 34 sa Mindanao mula sa 26.
Ang pinakamataas na net rating na nakuha ng Aquino government ay 66 porsyento noong Hunyo 2013.
Pinakamataas ang nakuhang rating ng gobyerno sa pagtataguyod ng edukasyon ng mga bata (47 porsyento) na sinundan ng pagsiguro na sapat ang suplay ng kuryente (44), pagtulong sa mahihirap (39), pakikipag-ugnayan sa ibang bansa (38), pagtulong sa mga overseas Filipino workers (32), at pagtiyak na abot kaya ang presyo ng gamot (31).
Sumunod naman ang pagdepensa sa teritoryo ng bansa (31), pakikipaglaban sa teritoryo ng bansa (27), pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao (23), pagtiyak may hustisya (19), paglaban sa terorismo (13), mabilis na pagdedesisyon sa mga problema ng bansa (11), rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng gulo sa Mindanao (5), paglaban sa krimen (5), pakikipagkasundo sa mga komunistang rebelde (4), paglaban sa katiwalian (1), pakikipagkasundo sa mga rebeldeng Muslim (1), pagtiyak na mababa ang presyo ng bilihin (-11), pagtiyak na walang pamilyang nagugutom (-12), pagsiguro na tama ang presyo ng produktong petrolyo (-17) at pagresolba sa Maguindanao massacre (-50).
Ginawa ang survey mula June 5 to 8 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. 30

Read more...