Solo liderato puntirya ng Altas

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
10 a.m. St. Benilde vs Emilio Aguinaldo (jrs)
12 n.n. Perpetual Help vs Mapua (jrs)
2 p.m.  St. Benilde vs Emilio Aguinaldo (srs)
4 p.m. Perpetual Help vs Mapua (srs)
Team Standings: San Beda (2-0); Perpetual Help (2-0); Letran (2-0); Mapua (1-1); Jose Rizal (1-1); Arellano (1-1); Emilio Aguinaldo (0-1);  San Sebastian (0-1);  Lyceum (0-2); St. Benilde(0-2)

SOLO liderato ang pakay ngayon ng University of Perpetual Help sa pagharap sa Mapua sa 91st NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Ikatlong sunod na tagumpay ang maililista ng Altas sakaling manaig sila sa Cardinals sa larong magsisimula matapos ang pagtutuos ng College of St. Benilde at Emilio Aguinaldo College sa ganap na alas-2 ng hapon.

Parehong wala pang panalo ang Blazers at Generals kaya makakatiyak na puno ng aksyon ang nasabing tagisan.

Tiyak na mangunguna naman sa Perpetual ang mga mahuhusay na sina Bright Akhuetie at Earl Scottie Thompson para makakalas ang tropa ni coach Aric del Rosario mula sa pagkikisalo sa liderato kasama ang San Beda at Letran.

Galing ang 6-foot-6 Nigerian na si Akhuetie mula sa pagtala ng 44 puntos bukod sa 19 rebounds habang si NCAA Season 90 Most Valuable Player Thompson ay may 14 puntos, 12 rebounds at 10 assists sa 77-69 panalo sa Blazers noong Biyernes.

Tiyak namang handa ang Cardinals para posasan ang dalawang kamador na ito ng Altas para madugtungan ang unang panalo na nailista sa San Sebastian, 88-86, noong Biyernes din.

Read more...