Ganu’n pala ang feeling nina Daniel at Kathryn! – Korina

korina sanchez

Sa kanyang karera sa larangan ng broadcasting sa loob ng tatlong dekada, isa ang multi-awarded journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa pinaka-accomplished at impluwensyal na personalidad sa bansa ngayon.

Kabilang sa kanyang body of work ang investigative journalism, public service, hard news, lifestyle, at entertainment, at ang kabilang ang mga estudyante sa bumubuo ng kanyang malaking fan base.

Naka-leave sa trabaho ngayon si Korina dahil sa kanyang post-graduate studies. Ngayon na mayroon siyang ekstrang oras at panahon, minabuti niyang tanggapin ang mga imbitasyon upang magbigay ng career talks sa iba’t ibang paaralan sa Pilipinas.

Tuwang tuwa ang mga estudyante at mga guro sa sharp wit ni Koring at sa kanyang inspiring story of success.

Isa sa kinagigiliwan ng mga estudyante at guro ay ang kanyang Five Secrets To Success, na naibahagi na niya sa higit 40 paaralan at unibersidad sa buong bansa.

“Naniniwala ako na dapat nating ibahagi sa kabataan ang ating mga nalalaman sa buhay. Students all have the same fears, insecurities, and uncertainties as they choose a course and career.

Ang sikreto ay dapat sundin nila ang sigaw ng kanilang puso,” ayon kay Korina. Ang kanyang Five Secrets To Success, ayon kay Korina, ay sarili niyang likha, “Hindi ko ito nakita sa Google ha.

I looked back into my life and figured what worked and what continues to work ‘till today. Nakita ko rin ang formula na ito sa life story ng maraming tao na nakilala kong umangat sa buhay.

Sa dami ng mga na-interview ko na success stories for my Rated K, the formula applies to everyone it seems. Even to me.”

Narito ang mga sikreto ni Korina: “Love and serve your parents. There’s just inexplicable blessing that stays with you when you honor your parents.

Ang mga anak dapat tinutulungan ang magulang kapag kumikita na sila. Otherwise, luck will prove elusive to you.

“Number 2, believe in yourself. If you don’t, no one else will”. Three, dream and plan your dream. Every good thing, big or small, begins with an idea and a dream.

Pero kailangan pinaplano ang pangarap.” “Four, nothing compares to sheer, hard work. Angat ang masipag kaysa matalino. Diskarte. ABS-CBN Founder Geny Lopez himself agrees.

Don’t just think. Do. At panglima, pray and believe. It isn’t enough you pray. Half the power comes from within. Believe it will happen.”

Isa sa mga laging tinatanong sa bawat pagtatapos ng talk ni Korina ay ang tungkol sa relasyon nila ni DILG Sec. na si Mar Roxas, “It always makes me blush, ewan ko ba,

I’m not used to talking about my private life pero nakakatawa ang mga estudyante, kinikilig sila sa mga anecdotes ko. Ha-hahaha! Ganoon pala ang feeling nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo!”

Read more...