Pangako ni Ai Ai kay Jiro: Ako muna ang magiging nanay niya!

aiai delas alas

NAG-PROMISE si Philippine Comedy Queen Ai Ai delas Alas na siya muna ang tatayong nanay ng dating child actor na si Jiro Manio na dumadaan ngayon sa panibagong pagsubok.

Isa si Ai Ai sa mga unang celebrities na nagsabing handa siyang tulungan si Jiro para maiayos muli ang napariwarang buhay nito.

Nahabag talaga ang komedyana sa kalagayan ng aktor matapos mabalitang nagpalaboy-laboy ito sa loob ng NAIA Terminal 3 noong nakaraang linggo.

Naging malapit sina Jiro at Ai Ai sa movie franchise na “Ang Tanging Ina”, kung saan gumanap si Jiro bilang isa sa 12 anak ni Ai Ai sa pelikuka.

Sa interview ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, muling nagkita ang “mag-ina” at doon nga sila nagkausap nang masinsinan, “I think kulang siya sa love kasi yung mother niya, maaga ring nawala.

“Hindi sila nagkasama, so naiintindihan mo sa’n yung pinanggagalingan niya. Kung bakit siya nag-drugs, bakit ganun yung pananaw niya sa buhay,” sey ni Ai Ai.

Fifteen years old lang si Jiro nang mamatay ang nanay niyang si Joylene Santos noong August, 2007 dahil sa kidney cancer.

Umiiyak si Ai Ai nang muli siyang humarap sa KMJS, after nilang mag-usap ni Jiro in private, “Okay siya and yun lang ang puwede kong sabihin kasi tina-trust niya ako, e.

Hindi ko puwedeng sabihin yung mga napag-usapan namin. “Okay naman siya, huwag ho kayong mag-alala, okay siya. Naiiyak lang ako kasi, yun, sinabi ko sa kanya na anak ko siya, na hindi ko siya puwedeng pabayaan,” pahayag ni Ai Ai.

Dagdag pa ng komedyana, siya muna ang magiging nanay ni Jiro, “Okay naman siya and, yun, nasarapan naman siya doon sa mga food na dinala ko.

From this day on, ako na yung tatayong mommy niya muna. “Lahat ng support and all the best for him—doctors, psychiatrist, wellness—lahat yun for him to ano para naman bumalik siya sa dati.

“Masaya na ako kasi alam ko na unti-unti, e, napapabago ko siya. I think, yun naman ang unang kailangan, e.

“Maramdaman niya na may totoong nagmamahal sa kanya, na all-out support, na tutulungan siya nang walang kapalit,” sabi pa ni Ai Ai.

Read more...