Sari-sari store owner sa Sultan Kudarat wagi ng P80M sa Lotto 6/42

Lotto 6/42

Lotto 6/42


Isang may-ari ng sari-sari store mula sa Sultan Kudarat ang nanalo ng P80.6 milyon jackpot ng Lotto 6/42 noong Hunyo 25.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay 43 taong gulang, may-asawa at dalawang anak.
Siya ang nag-iisang nakakuha sa mga numerong 19-5-42-17-22-14 sa naturang bola.
Kinuha umano ng nanalo ang mga numero sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay. May 15 taon na siyang tumataya sa lotto.
Plano niyang magtayo ng negosyo at balatuhan ang kanyang mga kapatid sa suwerteng kanyang natanggap.
Pumunta ang nanalo sa tanggapan ni PCSO general manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II sa Mandaluyong City upang kunin ang kanyang premyo.

Read more...