Klase sa MM at ilang probinsiya sinuspinde dahil sa masamang panahon

rainfallwarningsystemSINUSPINDE kahapon ang klase sa iba’t-ibang paaralan sa Metro Manila at kalapit na probinsiya dahil sa masamang panahon.
Ganap na alas-11:15 ng umaga, kinansela ang klase sa lahat ng antas sa Makati City, Manila (kasama na ang operasyon ng city hall), Pateros, San Juan, Cainta, Benguet, Ilocos Sur, San Fernando City sa La Union, Bauang, La Union, Agoo, La Union, Baguio City, Abra, at Cavite.

Samantala, sinuspinde naman ang klase mula sa pre-school hanggang high school sa Pasig, Quezon City, Malabon, Valenzuela City, Navotas, Pasay City, Marikina City, Mandaluyong City, Las Pinas City, Caloocan City, Muntinlupa City, Paranaque City, Rodriguez, Rizal, Olongapo City, Alaminos, Pangasinan, Lemery, Batangas, Calatagan, Batangas, Calaca, Batangas, at Balayan, Batangas.

Kabilang naman sa mga kolehiyo na nagkansela dahil sa pag-ulan ay ang Polytechnic University of the Philippines (PUP), Colegio de San Juan de Letran sa Maynila, University of Caloocan, University of Santo Tomas (kasama ang mga opisina), City of Malabon University, at City of Malabon Polytechnic Institute.
Ganap na alas-3 ng hapon, nagdeklara na rin ang Malacanang na suspindido na ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.

Read more...