Bago pa man lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Egay ay inaasahan ang pagpasok sa bansa ang bagyo na tatawaging Falcon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration lalabas si Egay sa Huwebes ng gabi kung hindi magbabago ang direksyon at bilis nito.
Bahagyang humina ang bagyo ng mag-land fall ito sa Cagayan Valley. Kahapon umaabot ang bilis ng hanging dala nito sa 75 kilometro bawat oras at pabugsong 90 kph.
Umuusad ito sa bilis na pitong kilometro bawat oras pahilaga.
Pinawi naman ng PAGASA ang pangamba na higupin pabalik si Egay ng paparating na bagyo na may international name na Chan-hom.
Hindi umano daraan sa lupa si Chan-hom na papangalanang Falcon pagpasok sa PAR pero pag-iibayuhin nito ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Egay palabas na; bagyong Falcon nagbabanta
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...