PORMAL nang ipinakilala sa entertainment press ang 18 young artists na kasali sa first-ever multi-platform boy band competition sa Pilipinas, ang To The Top ng GMA Network.
In fairness, sa press launch pa lang ng reality show ay nagpakitang-gilas na ang mga bagets sa pagkanta at pagsayaw, hataw kung hataw ang mga ito kaya naman talagang pinalakpakan sila ng audience, kabilang na ang mga award-winning personalities sa music industry.
Kabilang na nga riyan ang magsisilbing vocal coaches ng programa – ang members ng The CompanY na sina Moy Ortiz, Sweet Plantado at OJ Mariano.
Sila rin ang tatayong judges ng mga trainees sa online platform ng programa (https://www.gmanetwork.com/gma/tothetop) na mula sa produksiyon ng GMA News And Public Affairs.
Bukod dito, ime-mentor din sila sa pagsasayaw ng two-time World Hiphop Champions na sina Prince at Madelle Paltu-ob, at ng International Breakdancing Champion na si Jesse “Reflex” Gotangco. Every week ay haharap ang 18 contestants sa mga hurado na pinangungunahan ni Meastro Ryan Cayabyab.
Ayon kay Maestro Ryan, ihahalintulad niya ang 18 young artists ng To The Top sa metal o bato na kailangang hubugin bago maging obra maestra, “Lahat kayo parang isang piece ng metal o isang piece ng bato na momoldehin kaya pupukpukin kayo hanggang sa magkaroon kayo ng magandang shape.”
Natanong din ang music icon kung na-impress ba siya sa first live and public performance ng 18 boy band aspirants? “Pasadong pasado. Tuwang tuwa ako, I was like ‘Okay ah, they worked hard’,” ang proud na proud na sabi ni Mr. C.
Sa unang showdown ng mga contestants, hinati na sila sa tatlong grupo, at every weekend ay magpapatalbugan sila sa pagsayaw at pagkanta, at bawat linggo ay huhusgahan sila nina Mr. C at ng iba pang celebrity judges.
Pahabol pang komento ni Mr. C, “I’ve never done an all-male group; usually it’s a mixed group like the Smokey Mountain. This is the first time na all boys, all male. Mas madali silang pagalawin as a group, as a team because they bond easily.”
“I support this type of endeavor and I’m all for this because this is really what I like, developing new talents. Ang daming pwedeng ituro sa kanila na magagamit nila sa future showbiz career,” dagdag pa niya.
Meron na ba siyang nakikitang future stars among the artists, “Singing wise, meron ng mga outstanding. But of course if you’re forming this group, lahat tinitingnan mo. They must complement each other.
Iba yung excitement ng ganitong competition because bata pa silang lahata. They have to learn to live together, fend for each other and complement each other’s strength and weaknesses.”
Ilan sa mga tumatak sa amin among the contenders ay sina AJ Ajrouche na isang Fililipino-Lebanese, Lance Busa, Joshua Jacobe na mukhang K-Pop star, at Adrian Pascual.
Huling hirit ni Maestro Ryan tungkol sa To The Top, “I’m very happy that this is happening now because it’s time to discover new type of entertainment.
I know it’s not very different because it’s a boy band, but kailangan makita ng tao na may bago ka nanamang grupo na ipapakilala, a new set of entertainers. And not just entertainers, but total performers.”
Mapapanood na ang To The Top sa GMA tuwing Sabado at Linggo simula ngayong July 18.