5 PBB Housemates nanganganib mapalayas sa bahay ni Kuya

bailey thomas

LIMANG housemates sa Pinoy Big Brother 737 ng ABS-CBN ang nanganganib na mapalayas sa Bahay ni Kuya sa susunod na eviction night ngayong darating na weekend.

Pagkatapos ngang ma-evict ang kontrobersyal na si Barbie Imperial last Friday, nagdesisyon si Big Brother na limang housemates ang ilagay sa listahan ng pagpipilian ng madlang pipol kung sino ang gusto nilang i-save sa eviction night.

Kabilang nga rito sina Filipino-British housemate Bailey Thomas, na nominated din nu’ng unang eviction night, Cebu native Ryan Bacalla, at ang Muslim teen na si Ailah Antopina.

Ang dalawa pang napasama ay sina Ylona Garcia, mula sa Sydney, Australia at ang “Blossoming Beauty ng Quezon City” na si Zonia Mejia.

Sa nakaraang episode ng PBB noong Sabado, binigyan ng chance ang limang housemates na patunayan ang kanilang mga sarili na karapat-dapat pa rin silang manatili sa PBB house, pero nabigo silang gawin ang challenge na ipinagawa ni Big Brother.

Read more...