Sigaw ng bashers kay Bianca Gonzales: Plastik ka, ipokrita! Pweee!

bianca gonzales

“In fairness maganda yatang manood ng season na ito mga magulang para (malaman) nila issues ng mga anak nila ngayon.” That was Bianca Gonzalez’s recent social media post tungkol sa PBB na ikinagalit ng marami.

“Plastik at ipokritong Bianca na ito. Gusto pang i-justify ang pag ere ng napaka walang kwenta na show na ito. Hindi kami shunga noh. Ikaw na lang papanood mo sa magiging anak mo!” said one irate fan.

“And to think nagbubuntis (buntis na nga ba?! LOL LOL) siya, eto ba ang klase ng show na ipapanood niya sa magiging anak niya? At ipinagtanggol pa! Anung klase siyang tao?! Pwe!” susog naman ng isa pa.

“I am a parent and I would not watch pbb. Ayokong panoorin ang mga bata na ginawang lab rats at pinageeksperimentuhan for entertainment and ratings.

Totoo naman na napwepwersa silang gawin ang mga bagay kahit ayaw nila dahil sa mga tasks na yan. Asan ba mga magulang nito?! Pinayagan makapasok dyan ganyan ba kayo kahayok sa fame? Kung 18+ na why not, kung minor pa juice colored!” said another guy.

But this one nailed it, “Ahahahahah bolahin mo pa kami eh ikaw aminin mo sa sarili mo walang kwenta iyang programa na iyan. Di ka lang maka kuda at trabaho mo iyan.”

Oo nga naman. Since bayad si Bianca, hindi nga naman siya puwedeng mag-comment nang hindi pabor sa show. Say naman ni Toni Gonzaga in her recent interview, mas marami pa silang mas malalang nakita sa PBB past editions noon. Gano’n?

Hay, naku, ang mga tao talaga, walang balls na aminin na merong flaws ang show nila. Hindi nila kayang i-verbalize ang kanilang honest opinion for fear of losing their job.

Read more...