Valeen 1 week naghanda para sa FHM; PBA player ang bagong ka-loveteam

valeen montenegro

Bumabandera ngayon ang kaseksihan ng Kapatid actress na si Valeen Montenegro, siya kasi ang cover girl sa July issue ng FHM magazine. At ayon sa dalaga, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niya ang nasabing sexy pictorial.

Sa presscon ng bagong sitcom ng TV5 na No Harm No Foul kung saan isa siya sa magiging regular member ng cast, sinabi ni Valeen na isang linggo lang ang preparasyon niya for the shoot na ginanap sa Subic.

“I don’t go on a starvation diet, I go to the gym, I run every day. Nasa Instagram ko ‘yan, day 1, day 2, hanggang sa day ng shoot, tumatakbo pa rin ako. ‘Tapos tamang kain lang, proper food, no junk foods.

“The shoot was very fun, sobrang bilis, nagulat ako kasi, pinaghandaan ko siya. Parang shoot, shoot, shoot, masaya lang, ‘tapos biglang tapos na. It’s not something that I’m avoiding and it’s not something that I really want.

“But parang everything just fell into place this time, kasi matagal na nilang sinasabi sa akin. Ididn’t feel that I was ready, I didn’t have the right people behind me. So now na meron na akong manager, si Ms. Olive de Jesus, nandito siya behind me.

“Mas naging kampante ako na tama ang magiging desisyon ko as long as napag-usapan namin,” mahabang kuwento ni Valeen na magsasabog ng kaseksihan sa comedy show na No Harm No Foul na pagbibidahan nina Ogie Alcasid at Randy Santiago, kasama ang mga kilalang basketball players na sina Kiefer Ravena, Gary David, Beau Belga at Willie Miller.

Asahan na ang pagrampa ni Valeen sa FHM Victory Party para 100 Sexiest Women, “Definitely, I feel special na ako ang July cover and they explained it naman na there will be two covers for the month.

This is my first time kaya enjoyin ko lang ‘to, makita ko lang yung iba, like Jennylyn Mercado, super sexy. I hope Angel Locsin will be there, lahat, gusto ko lang silang makita,” chika pa ni Valeen.

Anyway, posible raw na si Gary David ang makatambal niya sa No Harm No Foul. Pareho raw kasi silang sumasayaw. Kung matatandaan, si Gary ang nanalo noon sa Celebrity Dance Battle ng TV5.

Nagsimula na kagabi ang nasabing sitcom at umaasa si Valeen at ang buong tropa ng programa na ma-enjoy ito ng manonood. Kuwento nga ni Valeen, para lang silang naglalaro sa set dahil tawa lang sila nang tawa, “Kapag meron kaming all-star na eksena, doon kami napapatagal, kasi kuwentuhan.

“Hindi nagka-cut si direk Randy Ramos kasi nakukuha niya doon yung character na nakakatawa,” sey pa ng sexy actress.

Read more...