Egay patuloy ang pananalasa sa bansa

egay
Nanalasa sa hilagang bahagi ng Luzon ang bagyong Egay na napanatili ang lakas habang tinatahak ang direksyon palabas ng bansa.
Bago magtanghali kahapon ay dumaan ang bagyo sa Mt. Cagagangan sa Cagayan Valley, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Umaabot ang bilis ng hanging dala nito sa 95 kilometro bawat oras at pabugsong 120 kph. Umuusad ito pa-hilagang kanluran sa bilis na siyam na kilometro bawat oras.
Itinaas ng PAGASA ang signal no. 2 sa Batanes, Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Isabela, Ilocos Norte at Abra.
Signal no. 1 naman sa Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, Ilocos Sur, Aurora, La Union, Mt. Province at Ifugao.
Inaasahang sa Miyerkules pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Read more...