Pekeng bigas iimbestigahan sa Kamara

bigas
Magsasagawa ng imbestigasyon ang House committee on trade and industry kaugnay ng bentahan ng bigas na hinahaluan ng plastik.
Ayon sa chairman ng komite na si Las Pinas Rep. Mark Villar nakababahala ang bentahan ng pekeng bigas na delikado sa kalusugan.
Dapat umanong malaman kung papaano nakapasok ang mga ito sa bansa at kung sino ang nagdala.
“Paano sila nakalusot para at least kung kailangan nating baguhin ang proseso, para pwede kaming gumawa ng batas,” ani Villar.
Isa umano sa titignan sa imbestigasyon kung dumaan sa Bureau of Customs ang mga pekeng bigas at kung dumaan sa pagsusuri bago nailabas.
Maaari umanong magrekomenda ang ahensya ng mga taong dapat na kasuhan sakaling may matukoy na may sala sa gagawing imbestigasyon.

Read more...