Sey ng taga-GMA: Aljur sobrang sipag na, masunurin pa!

aljur abrenica

“MASUNURIN na,” ang makahulugang komento ng isang kaibigan natin sa GMA 7 tungkol sa pagbabalik sa limelight si Aljur Abrenica.

Hindi na kami nang-intriga pa dahil natuwa na kami sa tsikang nagpapakasipag na ang aktor sa lahat ng mga assignments na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network, kasama na riyan ang mga acting workshop.

Kaya naman talagang hinanapan ito ng role sa number one afternoon series ng GMA na The Half Sisters, sa pag-engganyo na rin ng direktor nitong si Mark Reyes na ilang beses na rin niyang nakatrabaho.

Gagampanan ni Aljur ang role ni Malcom, isang human trafficker na nagbagong-buhay na ngunit bumalik sa dating trabaho sa huling pagkakataon para sa anak.

Siya ang magdadala kay Ashley (Thea Tolentino) sa Japan para pagtrabahuin bilang isang waitress sa isang bar. Yes, kasama nga siya sa Japan kung saan magsu-shoot din ang ilang cast members gaya nina Barbie Forteza at Thea, Ms. Jean Garcia, Jomari Yllana, Ryan Eigenmann at Ms. Eula Valdes, kasama sina Andre Paras, Vaness del Moral, Mel Martinez, Pancho Magno, Juancho Triviño, Jak Roberto at Winwyn Marquez.

Masayang-masaya naman si Aljur Abrenica dahil napabilang din siya sa The Half Sisters na mahigit isang taonnang umeere.
“I feel so honored and blessed to be part of this top-rating Afternoon Prime series of GMA.

I am so excited to work with the hardworking cast and staff of the show especially we’ll be taping out of the country so parang vacation and work na rin siya,” ani Aljur.

Subaybayan kung paano magbabago ang buhay nina Diana (Barbie) at Ashley sa pagdating ni Malcom sa kanilang buhay. Napapanood pa rin ito mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

 

Read more...