ABS-CBN kinondena ang pang-aabuso sa PBB Teen Housemates
NARITO ang statement ng ABS-CBN na ipinadala sa BANDERA tungkol sa mga kumakalat na kontrobersiyal na balita tungkol sa mga PBB teen housemates na sana loob ng Bahay Ni Kuya.
Naging target kamakailan ang “Pinoy Big Brother 737” housemates na sina Bailey May, 12, at Kenzo Gutierrez, 18, ng mga malisyosong post na kumakalat sa social media.
Ang mga post na ito ay gawa ng iresponsableng netizens na kumukuha ng screenshots mula sa live stream ng programa upang gumawa ng mga kwentong hindi totoo at binabahiran ang imahe ng housemates.
Nilalagyan nila ng malisya ang mga inosenteng gawain ng housemates at nililinlang ang publiko. Mariing kinukundina ng ABS-CBN ang iresponsableng paggamit ng social media na dinudungisan ang reputasyon ng housemates.
Nag-aalala kami sa kapakanan ng housemates at responsibilidad naming protektahan sila. Hindi kami papayag na ma-bully at maabuso sila sa social media.
Naninindigan ang ABS-CBN sa isyung ito, kung kaya’t nagdesisyon ang ABS-CBN na ihinto na ang libreng 24/7 livestreaming ng programa sa cable TV at online simula ngayong gabi.
Umaapela kami sa publiko na itigil na ang pang-aabuso sa housemates at maging responsable sa paggamit ng social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.